Tuesday, April 24, 2012

UGAT NG PAGAKPAK

Mula sa mahimbing na pagkakatulog

Ako’y muling minulat ng aking amo

Inilihis sa kaniyang hintututo

Upang sumulat ng nais na liriko

Gamit ang kanyang malikhaing isipan

Ako’y kanyang ginamit sa pagsusulat

Mga salita’t ideyang di mabigkas

Ay akin namang tuwirang inilimbag

Tuloy ang agos ng aking tintang itim

Aking sinuroy ang ginagawang sipi

Napagtanto, ibig niyang iparating

Tungkol man sa aking ninunong bayani

Siya’y isang pagakpak mula sa ibon

Punong ugat niya’y tinulis sa dulo

Si Gat Jose Rizal ay ang naging amo

Ginamit upang kasarinla’y matamo

Naging instrumento sa pagpapabatid

Ng mga kasamaan ng maglulupig

Minulat ang asambayanan a daang tuwid

Nagpakawala sa kahirapang sinasapit

Nais ko ring maging siya balang araw

Maging huwaran sa mata ng kabataan

Ako’y patuloy parin na magsusulat

Ng mga ideyang di mabigkas ninuman

No comments:

Post a Comment