Tuesday, April 24, 2012

KAHAPON SA BUKANG LIWAYWAY

Ilang beses bang sumikat ang araw

at lumubog sa pagdating ng buwan?

Ilang beses bang bumuhos ang ulan

at nabasa sa gitna ng kadiliman?

Isang taon, maraming nakalipas

Mga kahapon, mga ala-ala

Milyong mithiin na natupad

At pagkakabigo ng ilang panga rap

Tatlong daan animnapu’t lima,

Bilang ng araw na lumipas

at tuwing pagsapit ng Bagong Taon,

Iiwanan na natin ang bawat kahapon

Dapat magsaya, dapat magdiwang

Tulad ng mga taong nagdaan

Ihanda ng bongga ang hapagkainan

at suotin ang mga bilugang kasuotan

Tulad ng dati, kumpleto ang pamilya

Salu-salo, nagkakasiyahan

Ngunit sa ngayong may lumisan

Ni hindi maatim na maging maligaya

Umupo ako sa tabi ng bintana

at doon pinagmasdan

bawat eroplanong nagdaan

Nananalangin sa kanyang dumatal

Marahil tanging abo ng paputok

ang aking napagtanuran

ni hindi makakain o ni kumibo

dahil ramdam ang kakulangan

“Buhay ay kailangan magpatuloy,

at sa taong ito’y masusubukan

ang mas mabigat na kalbaryo

ng pagtayo sa sarili kong paa

Marahil ang bukas ay di halintulad

ng Kahapon sa Bukang Liwayway

kung kailan sumisikat ang araw

at ngayo’y nawala, ni hindi maaninag

No comments:

Post a Comment