Tuesday, April 24, 2012

LIPAD NG PANGARAP

Gaano katayog ang kayang liparin

ng saranggola sa himpapawid

Paano tatagal sa bagsik ng hangin

ang mala-ulap mong mithiin

Hanggang kailan kaya makakayanan

Lumipad kasiping ng ibang ulap

Kapag bumuhos na ang malakas na ulan?

O kapag sumapit ang dapit araw?

Hanggang kailan mo mahahwakan

ang pisi ng ‘yong saranggola?

Isang pangarap na di mabitawan

Pagkakabigo kapag pinakawalan.

Gaano man kataas ang ‘yong nais

Tiyakang pagkalugmok ay di maiaalis

sa isang saranggola sa himpapawid

Salamin sa ‘yong pangarap at mithiin

No comments:

Post a Comment