Minsan sa buhay ng tao, may pagkakamaling nagagawa
Isang pahina sa buhay ng tao, may nangyayaring di inaasahan
Minsa sa puso ng tao, may nanghihimasok, may nasasaktan
Isang kabanata sa buhay ng tao, matututo kang magmahal
Masama ka! Malupit ka! Mayabang ka!
Isa kang drogang kailangang mapuksa
Drogang kinababaliwan ng puso ko tuwina
Drogang kinaaadikan ng isip ko sa araw-araw
Salbahe ka, mapait ka sa pusong iniwan mong sugatan
Malubha ka pa sa demonyong napapaloob sa lupa
Ngunit bakit hindi ko kayang iwasang tingnan
Ang mukha mong anghel kapag mahimbing sa pagkakahiga
Gamot kita sa mga oras ng kalungkutan
Lunas ka sa bawat pighating aking nararamdaman
Isang ngiti mo lang at ang dinadamdam ay mawawala
Isang titig mo lang at ang hapdi ay gumaling na
Hindi ka perpekto tulad ng iba
Ngunit ang puso ko’y tuluyan mong nabihag
Hindi ka kasing kaaya-aya tulad ng iba
Ngunit ang puso ko’y iyong napana
Isang lingo ng masayang panaginip
Limang araw ng saya at pighati
Dalawang gabi ng nakaw na sulyap at ngiti
Isang pagkakataong tumatak sa aking isip
Napag-isip-isip at aking natanto
Tayo ay hindi para sa isa’t isa
Isa ka lamang ilusyon ng aking malawak na diwa
Isa ka lamang pagkakamali na dapat ay di nagawa
Paalam aking droga, Paalam aking sinisinta
Iniwan mo akong lugmok sa kalungkutan
Puso koy naging asul habang tulala sa kalangitan
Habang tinatahak ang landas palayo sayo tuwina
Paalam aking droga, Paalam aking sinisinta
Nawa’y maging maligaya ka sa piling ng iba
Nangangako ako na malilimutan kita
Kahit masakit, Kahit mahirap
Anghel nga kita, demonyo ka na aking kalaban
Dito sa puso ko’y di ka mawawala
Huwag kang iiyak kapag ikaw ay nasaktan
Dahil di ko kayang Makita kang nagdurusa
Kung ito ay iyong mabasa, tandaan mo
Pagkakamali kita na dapat malimot
Lalakad ako sa dati kong daang kinagisnan
Droga ng aking puso, Paalam sinisinta
No comments:
Post a Comment