Bumukas ang tarangkahan ng langit
At nagsibabaan ang mga bituin
Dito sa nangungunang pamantasan,
“ang” UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Takip-silim ng maumpisahan
Ang makulay na taunang parada
Kung saan bida ang mga parol
na natataning gawa ng matatalino
at Sino nga ba ang mga panauhin?
Mga estudyanteng masisigasig
Mga propesor na artistahin
at mga di pinalad na makapasa sa UP
Muntikan na sana akong umalis
ng aking nakita, kanyon ng ROTC
Animo’y may gera’t digmaan
Laban sa agila, tigre’t mamamana
‘sang malaking libro ang bumida
Likha ng Kolehiyo ng Arte’t Literatura
Kasabay ng isang makinang na kalesa
na gawa ng mga “fresh” na mag-aaral
Sa mga sumunod ako’y namangha
Mga makikislap na ibon at estatuwa
Pinaliit na Carillion, keyk at sasakyan
Asul na puno at litrato ng mag-ina
Pati puno ng Seresa’y di pinalagpas
Gawa ng mga Hapon at mga banyaga
At ‘yong madarama ang kapaskuhan
Kapag ang mga belen ay ‘yong makita
Kumukutikutitap ang mga parol
Tila mga tala sa gabing masimoy
Ang lotus, robot at korona,
Mga disenyong ginamit sa paglikha
Tunay! Ako’y naaliw sa napanood
Lalo ng sinindihan ang mga paputok
At dito lang yan sa bida’t nag-iisang
“UNIBERSIDAD NG PILIPINAS”
No comments:
Post a Comment