Tuesday, April 24, 2012

BAKIT AKO NAGSUSULAT

Kay tagal na kitang gustong alayan ng tula

Ina kong matindi kung magmahal

Ang tulang ito ay sayo’y inilalaan

Kapalit ng bawat dampi mo’t yakap

Ikaw marahil ang aking kahinaan

Sa tuwing wala ka’y, ako ay nanghihina

Laking pasasalamat ko sa Diyos na Maykapal

na Ikaw o, Ina ko, sa akin ay ibinigay

Ano kaya ang sasapitin ko kapag wala ka na?

Kapag ang kalungkutan ay bumagabag sa aking katauhan

Kung saan ako’y hindi na makakalakad pa

Pati ang mg mata ko’y hindi na mumulat pa

Sidhi ng pagmamahal mo ang bumalot sa akin

Ako na iyong anak ay walang maiganti

Pati sa kapahamakan ay hindi mo ikinanti

Bakit hindi kita masuklian kahit kaunti

Pabayaan mo akong ilahad ang pagmamahal ko

Sa taong kahit kailan ay hindi ako binigo

Mahal na mahal kita Ina, hindi ito magbabago

Kahit sa kahuli-hulihang papintig ng aking puso

No comments:

Post a Comment