“Kung nakakasigaw lang ang iyong kunsensya, marahil ay minumura ka na niya”
Tama ka. Isa akong hunghang. Isa akong tanga. Isa akong mangmang.
Tama ka. Langit ka. Hindi kita kabanghay. Mataas ka. Hindi kita kailanman maabot.
Tama ka. Maraming negatibo sa akin. Maraming masasabi ang iba na masama. Maraming putik sa aking budhi. Demonyo ako. Masama akong tao.
Tama ka. Dapat kitang sambahin. Dapat kitang luhuran. Dapat kitang alayan ng baka’t tupa.
Tama ka. Alipin ako. Dapat kitang paglingkuran. Mababa akong tao. Dapat akong pak-apakan.
Tama ka. Hindi dapat ako namamalagi sa mundo. Dapat na ako maglaho. Wala akong kwenta.
Tama ka. Panaginip lang ang lahat. Dapat huwag ako maniniwala sa akong sarili. Dapat magsinungaling ang aking konsensya.
Tama ka. Sa bawat kapintasan na sinaboy ng Diyos sa lupa, sinambot ko ang lahat.
Tama ka. Alikabok lang ako sa iyong mundo. Dapat mo akong puksain. Dapat mo akong punasan at pigain sa kanal.
Tama ka. Basura ako. Nangangamoy na parang patay na daga. Umaalingasaw na sangsang ng isda.
Tama ka. Basahan lang ako. dapat mo akong ipampunas sa iyong dumi. Isubasob sa putik sa iyong sapatos.
Tama ka. Gago lang ang taong mangangarap sa iyo.
Tama ka. Isa akong tae. Taeng natuyo sa daan. Tigang. NIlalayuan ng tao.
Tama ka. Ako ay ako. Tae ng Kabayo. Isang nilalang na labis mong nilugmok.
Tama ka. Tama ka. Tama ka.
“Kung mabubuhay man akong muli, bubuhusan ko ng tae ang iyong puntod”